^

Probinsiya

Lolo kritikal sa jungle bolo

Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan , Philippines – Agaw buhay nga­yon isang 62-anyos na lolo makaraang tagain ito sa ulo ng nakaaway nitong kapwa matandang lalaki habang nagkakasiyahan na naganap sa isang lugar dito kamaka­lawa ng gabi.

Kasalukuyan pang inoobserbahan matapos na isugod sa Bulacan Medical Center ang biktima na kinilalang si Alberto Papa kawani ng Bureau of Customs habang naaresto naman sa isinagawang follow-up operation ang suspek na si Dominador Villaceran, 52, kapwa mga residente ng Menzyland Homes, Brgy. Mojon sa siyudad na ito.

Base sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas-7 ng gabi ay nag-iinuman ng alak ang dalawa sa naturang lugar at ilang oras pa ang nakakalipas ay kapwa nalasing ang mga ito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Agad namang kumuha ng itak ang suspek at pinagta­taga ang biktima na isinugod naman sa pagamutan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito.

AGAW

ALBERTO PAPA

BRGY

BULACAN MEDICAL CENTER

BUREAU OF CUSTOMS

DOMINADOR VILLACERAN

KASALUKUYAN

MENZYLAND HOMES

MOJON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with