^

Probinsiya

4 kidnaper itinumba sa Bulacan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - BULACAN - Apat na miyembro ng kidnapping group ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga ope­ratiba ng pulisya sa bahagi ng Sitio Lulusan, Barangay Balasing sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Joel Orduna, kinilala ang mga napaslang na sina Ariel Bitangcor, Jeffrey Cristobal, Noel Bernas, at si Winnie Quismundo.

Ayon sa ulat, kabilang sa naging biktima ng grupo sina Gurteg Singh, Kulwin­der Kaul, kapwa nakatira sa bayan ng Baliwag, Bulacan; Mangat Singh ng Brgy. Cutcot, Pulilan, Bulacan, pawang mga negosyante.

Sa police report, natunton ng pulisya ang pinagkukutaan ng grupo sa abandonadong bahay sa Flores Farm sa nabanggit na barangay kung saan napatay ang apat na kidnaper.

Sinasabing nailigtas naman  ang biktimang si Gurteg Singh na pinutulan pa ng hinliliit sa daliri.

Lumilitaw na unang kinidnap ng grupo si Mangat Singh sa Pulilan, Bulacan noong Nobyembre 2012  kung saan pinalaya ito matapos makapagbigay ng malaking halaga ng ransom.

Kasunod nito, kinidnap naman ang mag-asawang Singh at Kaul sa bahagi ng Barangay Sto. Cristo sa Pulilan noong Disyembre 20, 2012 kung saan pinalaya si Kaul  makaraang magbigay ng P2-milyong ransom.

Natunton ng pulisya ang kinaroroonan ng grupo matapos sundan ang ginamit na van na may plakang TAF-317.

Narekober sa kuta ng grupo ang dalawang baril, granada  at mga cell phone na sinasabing ginagamit sa pakikipagnegosasyon sa pamilya ng biktima.

 

vuukle comment

ARIEL BITANGCOR

BARANGAY BALASING

BARANGAY STO

BULACAN

FLORES FARM

GURTEG SINGH

KAUL

MANGAT SINGH

PULILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with