Roomboy pisak sa dyipni

BULACAN, Philippines – Kauna-unahang nasawi sa pagpasok ng 2013 ang 24-anyos na room boy matapos salpukin ng pampasaherong jeepney  ang kanyang motorsiklo sa McArthur Highway sa Barangay Saluysoy, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Nazarenus Hospital ang biktimang si Ezekiel Tinamasin  ng Brgy. Malhacan habang naaresto naman ang drayber ng jeepney na si Ulysses Malinlin, 36, ng Barangay Paso de Blas sa Valenzuela City. Ayon kay P03 Allan Lampano, nag-overtake ang motorsiklo ng biktima sa sinusundang sasakyan kung saan nakasalubong ang jeepney (CWS-612) ni Malinlin. Pumailalim pa sa jeepney ang katawan ng biktimang walang helmet kaya ito nasagaan.

 

Show comments