^

Probinsiya

Barko tumirik: 228 nailigtas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 228 pasahero ang nasagip matapos magkaaberya at tumirik ang ferry boat dahil sa malalaking alon na bumalya sa gitna ng karagatan na nabigong makadaong dulot ng masamang panahon sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon ng umaga. Sa ulat na nakarating sa Office of Civil Defense (OCD) ang M/V Zamboanga Ferry na pag-aari ng George Peter Lines ay mula sa Zamboanga City kung saan malapit ng dumaong sa pier ng Dumaguete City nang biglang tumirik dakong alas-10 ng umaga. Nabatid na binalya ng malalakas na alon at hangin ang nasabing ferry boat na labis na ipinagpanik ng mga pasahero. Samantala, bunga ng insidente ay nagkaaberya ang barko matapos tumigil ang makina nito sa gitna ng karagatan habang malapit na sa pantalan kung saan tinangay ng alon na may 40 metro sa kanugnog na Dumaguete Boulevard. Nabatid pa na nakaabang na sa pantalan ang mga kamag-anak at pamilya ng mga pasahero nang mangyari ang insidente kung saan tumagal ng tatlong oras na binabalya ng alon ang barko habang nagsisigawan na ang mga pasahero nito. Nasagip naman ang mga pasahero matapos rumesponde ang Philippine Coast Guard.

 

DUMAGUETE BOULEVARD

DUMAGUETE CITY

GEORGE PETER LINES

NABATID

NASAGIP

NEGROS ORIENTAL

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

PHILIPPINE COAST GUARD

V ZAMBOANGA FERRY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with