Mag-asawa niratrat ng NPA

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines –Napatay ang 21-anyos na misis habang nakaligtas naman ang mister nito matapos ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Sitio Managa-naga, Barangay Oma-Oma sa Ligao City, Albay kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napaslang na si Sarah Jane Yuson habang nakaligtas naman kay kamatayan si Arnel Yuson, 22,  miyembro ng Special Civilian Active Auxillary  na nakatalaga sa minahan sa bayan ng Rapu-Rapu at kapwa nakatira sa San Vicente sa bayan ng Oas, Albay. Batay sa police report, magkaangkas sa motorsiko ang mag-asawa na patungong Ligao City nang tambangan ng mga rebelde  bandang alas-8:15 ng gabi. Tumilapon ang misis sa kalsada subalit pinaharurot naman ng mister ang kanyang motorsiklo para humingi ng saklolo sa pinakamalapit na detachment ng Alpha Company ng Phil. Army.

Show comments