^

Probinsiya

Misis na tinamaan ng stray bullet, pumanaw na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumanaw na kahapon ng umaga ang 28-anyos na misis na tinamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon sa bayan ng Kalibo, Aklan.

Ito ang kinumpirma kahapon ni P/Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., director ng police regional office 6.

Matapos ang isang araw na pagkakaratay sa Saint Gabriel Hospital ay sumakabilang buhay na kahapon ng umaga ang biktimang si Mayette Tulio, meat vendor.

Si Tulio, ayon sa opisyal ay nagtamo ng malalim na tama ng ligaw na bala sa kaniyang dibdib.

Lumilitaw na papasok na sana sa kaniyang kuwarto ang biktima upang matulog matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon dakong alas-2 ng madaling-araw noong Enero 1 nang tamaan ng ligaw na bala.

Agad namang naisugod sa ospital ang biktima pero matapos ang isang araw na pagkakaratay ay binawian na ito ng buhay.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy at managot ang may-ari ng baril.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ JR.

AKLAN

BAGONG TAON

CHIEF SUPT

ENERO

KALIBO

MAYETTE TULIO

SAINT GABRIEL HOSPITAL

SI TULIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with