Police asset itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang 49-anyos na itinuturong police asset matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa  Barangay Anibongan sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur kamakalawa. Napuruhan sa ulo at tiyan ang biktima na si Edwin Ferrer ng Barobo, Surigao del Sur. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyang nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin ng tandem pagsapit sa nabanggit na barangay bandang alauna ng hapon.

Show comments