Police asset itinumba
January 2, 2013 | 12:00am
MANILA, Philippines - Napatay ang 49-anyos na itinuturong police asset matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa Barangay Anibongan sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur kamakalawa. Napuruhan sa ulo at tiyan ang biktima na si Edwin Ferrer ng Barobo, Surigao del Sur. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyang nagmomotorsiklo ang biktima nang harangin at ratratin ng tandem pagsapit sa nabanggit na barangay bandang alauna ng hapon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended