3-katao inararo ng SUV, utas

QUEZON, Philippines – Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi habang walong iba pa ang nasugatan matapos na araruhin ng SUV habang naglalakad sa gilid ng highway sa Barangay Gumian, Infanta, Quezon kamaka­lawa ng madaling araw.

Kabilang sa mga nama­tay ay sina Kevin Bataanon, 19; Jerick Villaflor, 20; at si Edmund Victorino, 20, pawang nakatira sa Barangay Cawayan sa bayan ng Real, Quezon.

Kritikal naman ang isa sa walong sugatan na si Charilyn Amoin, 19, dalaga, kung saan ginagamot sa Claro M. Recto District Hospital.

Ayon kay PO2 Benito Nevera, dakong alas-3 ng madaling araw ay naglalakad sa gilid ng highway ang magkakaibigan at ihahatid sana ang isa nilang kabarkada sa bahay nito sa Barangay Gumian.

Gayon pa man, biglang inararo ng Hyundai Sta. Fe (BEG-222) na minamaneho ni Ferdinand Manuel Babiera ng Real, Quezon.

Nagmistulang mga bolang tumalbog ang mga bitkima nang banggain at sagasaan ng nasabing sasakyan habang sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang driver na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries.

Show comments