^

Probinsiya

Farmer, factory worker kisay sa kuryente

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines – Masaklap na pagsalubong sa Bagong Taon ang sinapit ng mga kaanak ng dalawa-katao matapos itong makuryente at mamatay sa magkahiwalay na lungsod sa Cebu noong Biyernes ng umaga.

Si Marlou Borba, 18, ay nakuryente noong Biyernes ng umaga matapos mapahawak sa electric post sa Barangay Sirao, Cebu City, Cebu.

Napag-alamang katatapos pa lamang maligo ni Borba kung saan naglalakad ito sa eskinita sa Sitio Tawagan nang makasalubong si kamatayan.

Naisugod sa Guba Emergency Hospital ang biktima subalit maagap si kamatayan.

Samantala, si Avelino Dayanan, 57, ng Aloguinsan, Cebu, ay idineklarang patay sa Eversley Hospital and Sanitarium matapos makur­yente sa pinapasukang Lucky Tableware Factory sa H. Abellana Street sa Barangay Cubacub, Mandaue City, Cebu.

Sa salaysay ng  co-worker na si Randel Arellano, 18, bitbit ng biktima ang galvanized iron sheet para pantakip sa coconut shells sa labas ng pabrika nang masagi ang talop na linya ng kuryente.

Dito nagkikisay ang biktima bago bumulagta kung saan mabilis naman naisugod sa nasabing ospital subalit namatay din. Freeman News Service

ABELLANA STREET

AVELINO DAYANAN

BAGONG TAON

BARANGAY CUBACUB

BARANGAY SIRAO

BIYERNES

CEBU

CEBU CITY

EVERSLEY HOSPITAL AND SANITARIUM

FREEMAN NEWS SERVICE

GUBA EMERGENCY HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with