Magkapatid na paslit, nalunod

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Luksa ang  pagsalubong sa bagong taon ng isang pamilya matapos na malunod ang dalawang musmos na magkapatid sa isang hukay sa pagawaan ng uling sa Purok 2, Brgy. Panarayon, Bacacay, Albay kamaka­lawa ng gabi.

Nakilala ang magkapatid na biktima na sina Rey Molina, 5 at Rhea Molina, 3 pawang mga residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya ang dalawang biktima ay natagpuan dakong alas-7 ng gabi ng makita ng isa ng mga itong kapitbahay ang dalawang bata na nakalu­tang sa pagawaan ng uling na napuno ng tubig sanhi ng mga pa-gulan sa Bicol Region

Ayon sa mga magulang ng mga biktima huling nakita ang dalawang paslit na na­liligo sa ulan.

Hindi umano namalayan ng mga magulang ng mga bata na napadako sa pagawaan ng uling ang kanilang mga anak na ilang oras rin nilang hinanap.

 

Show comments