^

Probinsiya

Mag-ingat sa pagkain ng lechon - DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) sa publiko laban sa sobrang pagkain ng masarap at malutong na lechon ngayong holiday season.

Ayon sa ahensya, kung nais kumain ng lechon ay dapat na alalahanin ang ilang mahalagang dietary reminders tulad nang pagkain ng kaunting karne.

Dapat ding gumamit lamang ng maliit na plato at samahan ang kakainin ng maraming gulay, partikular ang mayaman sa carbohydrates at protina.

Sundan ito ng pag-inom ng maraming tubig dahil makatutulong ito upang malinis ang katawan ng tao, gayundin sa digestion o pagtunaw ng kinain.

Sinabi naman ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag, bukod sa paggamit ng paputok ay dapat ring maging maingat ang mga tao sa kanilang diet sa holiday season kung kailan kaliwa’t kanan ang handaan.

Pinaalalahanan na rin ni Tayag ang publiko hinggil sa mga madaling masirang pagkain na maaaring magdulot ng sakit.

Sakali umanong makaramdam ng hindi maganda dahil sa kinain tulad ng pagsakit ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, pagtatae o anumang gastrointestinal di­seases ay agad magpasuri sa doktor upang mabigyan ng paunang lunas.

 

ASSISTANT SECRETARY ERIC TAYAG

AYON

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

PINAALALAHANAN

PINAG

SAKALI

SINABI

SUNDAN

TAYAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with