Holdaper itinumba ng tandem

NUEVA ECIJA, Philippines  – Napatay ang 40-anyos na lalaki na sinasabing miyembro organized crime group makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa harap ng bahay-sanglaan sa Burgos Avenue, Barangay General Luna, Cabanatuan City, Nueva Ecija, kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Ramil “Tame/Burog” Martinez ng Purok 3, Barangay Talipapa sa nabanggit na lungsod.  Ayon kay P/Supt. Eli Depra, hepe ng Cabanatuan City PNP, si Martinez ay miyembro ng Delos Santos crime group, na may modus operandi sa Nueva Ecija, Bulacan, Pampanga, Nueva Vizcaya, Isabela at Aurora. Lumilitaw na ipina-park ng biktima ang kanyang scooter sa harap ng pawnshop nang biglang pagbabarilin. Base sa tala ng pulisya, si Martinez ay naaresto sa kasong kriminal subalit nakapagpiyansa noong Hulyo 15, 2012.

 

Show comments