MANILA, Philippines - Ilang araw, bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, umaabot na sa walo-katao na karamihan ay mga bata ang naitalang sugatan sanhi ng paggamit ng paputok sa Ilocos Region, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, ang mga biktima ay nagkaka-edad mula 5 hanggang 16 kabilang ang ilang naputulan ng daliri.
Kabilang sa mga biktima ay sina Jasper Guzmani, 9, ng San Fernando City, La Union, naputulan ng kamay dahil sa pagsabog ng piccolo; Lawrence Tamayo, 6, ng Dagupan City; Ralph Justine Abad, 5, ng Piddig, Ilocos Norte; Denmark Dacasin, 19, ng Dagupan City, naputukan sa kaliwang hinlalaki sanhi ng pillbox; Jan Bernard Dulay, 7, ng San Fernando City, nasugatan sa gitnang palad sanhi ng sumabog na kuwitis; Gian Carlo Castro, 11, ng San Fernando City, nasabugan ng piccolo; John Paul Coloma, 8, ng Ilocos Norte, sugatan sanhi ng sumabog na depektibong luces; at si Jason Zambrano, 16, ng San Fernando City, La Union, nagtamo naman ng sugat sa piccolo.
Pinayuhan naman ang publiko na huwag gumamit ng mga delikadong paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang sakuna.
Nagpapatuloy naman ang malawakang kampanya ng pamahalaan laban sa paggamit ng illegal na paputok sa pagpapalit ng taon.