^

Probinsiya

8 sugatan sa Ilocos Region

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ilang araw, bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, umaabot na sa walo-katao na karamihan ay mga bata ang naitalang sugatan sanhi ng paggamit ng paputok sa Ilocos Region, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC  Exe­cutive Director Benito Ramos, ang mga biktima ay nagkaka-edad mula 5 hanggang 16 kabilang ang ilang naputulan ng daliri.

Kabilang sa mga biktima ay sina Jasper Guzmani, 9, ng San Fernando City, La Union, naputulan ng kamay dahil sa pagsabog ng piccolo; Lawrence Tamayo, 6, ng Dagupan City; Ralph Justine Abad, 5, ng Piddig, Ilocos Norte; Denmark Dacasin, 19, ng Dagupan City, naputukan sa kaliwang hinlalaki sanhi ng pillbox; Jan Bernard Dulay, 7, ng San Fernando City, nasugatan sa gitnang palad sanhi ng su­mabog na kuwitis; Gian Carlo Castro, 11, ng San Fernando City, nasabugan ng piccolo; John Paul Coloma, 8, ng Ilocos Norte, sugatan sanhi ng sumabog na depektibong lu­ces; at si Jason Zambrano, 16, ng San Fernando City, La Union, nagtamo naman ng sugat sa piccolo.

Pinayuhan naman ang publiko na huwag gumamit ng mga delikadong paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang maiwasan ang sakuna.

Nagpapatuloy naman ang malawakang kampanya ng pamahalaan laban sa paggamit ng illegal na paputok sa pagpapalit ng taon.

BAGONG TAON

DAGUPAN CITY

DENMARK DACASIN

DIRECTOR BENITO RAMOS

GIAN CARLO CASTRO

ILOCOS NORTE

ILOCOS REGION

JAN BERNARD DULAY

LA UNION

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with