^

Probinsiya

NPA top leader timbog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ang isang most wanted na lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Central Visayas sa operasyon sa Manjuyod, Negros Occidental nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ang nasakote na si Filemon Mendrez.

Si Mendrez, isa sa mga most wanted na personalidad sa Central Visayas ay may patong sa ulong P5.25 milyon na matagal ng tinutugis ng batas.

Bandang alas-10 ng umaga ng masakote ng tropa ng Army’s 302nd Infantry Brigade at ng pulisya si Mendrez sa isinagawang law enforcement operation sa Brgy. Tubod, Manjuyod ng lalawigang ito.

Si Mendrez, number 6 top most wanted sa bansa ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong robbery in band at rebelyon na walang piyansang inirekomenda.

Nabatid na si Mendrez gumagamit ng mga alyas na Tatay/Edon ay dating pinuno ng Front Committee 2 sa Central Visayas bago ito naging Deputy Chief ng Central Visayas Revolutionary Party Committee ng NPA movement.

Samantalang nagsisilbi rin itong pinuno ng NPA rebels sa lalawigan ng Negros.

CENTRAL VISAYAS

CENTRAL VISAYAS REVOLUTIONARY PARTY COMMITTEE

DEPUTY CHIEF

FILEMON MENDREZ

FRONT COMMITTEE

INFANTRY BRIGADE

MANJUYOD

MENDREZ

NEGROS OCCIDENTAL

NEW PEOPLE

SI MENDREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with