Lamig sa Baguio, tumitindi
MANILA, Philippines - Nakapagtala ng pinakamalamig na panahon sa Baguio City ngayong Disyembre 2012. Ito pinakahuling tala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kung saan umabot sa 11 degrees Celcius ang pinakamalamig na temperatura na naramdaman sa buong lokalidad kahapon ng madaling araw. Dahil sa epekto ng low pressure area (LPA) na nasa Philippine area of responsibility at ng northeast monsoon o hanging amihan ay tumitindi ang lamig sa nasabing lugar. Dahil dito nagbabala ang Pagasa sa mga taga-Baguio laluna sa mga turista na magdiriwang ng Pasko na magsuot ng makakapal na damit o anumang balabal na makakapagbigay ng init sa katawan. Inaasahang lalo pang lalamig ang klima sa tinaguriang “City of Pines” at mga karatig pook sa Benguet hanggang sa pagdiriwang ng Panagbenga sa 2013. Angie Dela Cruz
- Latest