Motorsiklo nagsalpukan sa highway, 1 patay

MANILA, Philippines - Hindi na umabot pa ng Pasko ang 40-anyos na mister na nasawi habang dalawang iba pa ang grabeng nasugatan matapos na magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Mabini, Cabadbaran City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Noel Jamili habang ginagamot naman sa Butuan City Medical Center ang mga sugatang sina Christopher Langbid, 36; at backrider nitong si Randy Ano-os, 42. Nabatid na pakaliwa ang motorsiklo ni Jamili na patungong Barangay Mabini nang makasalpukan nito ang motorsiklo ni Langbid bandang alas-6:30 ng gabi.

Sa lakas ng banggaan ay pawang tumilapon ang mga biktima kung saan nabagok naman ang ulo ni Jamili.

Show comments