Pumaslang sa 8 sundalo, kinasuhan

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Nagsampa na ng kasong multiple murder at frustrated murder ang pulisya kahapon  laban sa kumander ng mga rebeldeng umambus at nakapatay ng walong sundalo sa Brgy. Mabayyad sa Echague, Isabela noong nakaraang buwan.

Kinilala ni Isabela Police Director Sr. Supt. Franklin Mabanag ang nakasuhan na si Romeo Cudal na pinuno ng NPA Sandatahang Platoon Pampropaganda at ang mga kasamahan nitong armado.

Ang asunto ay isinampa ng pulisya sa Provincial Prosecutors’ Office sa Kabisera ng Ilagan city.

Show comments