TUGUEGARAO CITY, Philippines – Biyak ang ulo ng isang 3-taon gulang na batang babae matapos aksidenteng mapaputukan ng de-sabog ng kanyang kalaro sa liblib na Brgy. Daan-ili sa bayan ng Allacapan, Cagayan, batay sa ulat na ipinalabas ng pulisya kahapon.
Kinilala ni PO1 Jose Labbao ang biktima na si Rhian Estrada ng nasabing lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay nasa bahay ni Efren Arquillo, 32, isang drayber, at kalaro ang anak nitong 5-taon gulang na lalaki.
Nabatid na inilabas at nilaro ng anak ni Arquillo ang de- sabog nitong riple at aksidenteng napaputok sa ulo ng kalaro. Kalaboso ang bagsak ni Arquillo dahilan sa pagpapabaya at pagtatago ng armas.