4 tulak-droga arestado

BULACAN, Philippines - Kalaboso ang apat na kalalakihan na pinaniniwalaang tulak-droga matapos maaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Rodel De Jesus ng Brgy. Ligas, Malolos City; Pacifico Pagdanganan ng Brgy. Pungo, Calumpit; Manuel Palad ng Sitio Tabtab, Brgy. Poblacion, Norzagaray; at si Rolando “Jon-Jon Saksak “ Marquez ng Brgy. Paco, Obando, Bulacan. Si De Jesus ay nasakote sa buy-bust operation sa Barangay Ligas kung saan makumpiskahan ng 3-plastic sachet ng shabu habang si Pagdanganan ay nasamsaman ng 2 sachet ng shabu sa Barangay Sto. Niño, Calumpit. Samantala naaktuhan naman ng mga tauhan ni P/Supt. Roginald Francisco, si Palad na nagre-repack ng shabu sa loob ng bahay sa Brgy. Partidas, Norzagaray. Si Marquez naman ay nakumpiskahan ng 2-sachet ng shabu sa Brgy. Paco, Obando.

 

Show comments