Manager ng kompanya natagpuang patay

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang 27-anyos na manager ng Wyeth Philippines sa tinutuluyan nito sa Barangay Ambago, Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ni Caraga PNP spokesman P/Supt. Martin Gamba ang biktima na si Jared Rick Tagra, nanunuluyan sa Dr. Jugao’s Bachelors Pad sa nasa­bing barangay.

Sa ulat ng Butuan PNP, bandang alas-11 ng gabi nang makatanggap ng report kaugnay sa pagkakadiskubre sa bangkay ng biktima.

Agad namang rumes­ponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) team sa pamumuno ni P/Senior Inspector Joel Signar.

Lumilitaw nabago matagpuan ang krimen, nakipag-usap pa umano ang biktima kay Daphne Celine Paredes, 26, na nakatira sa kalapit na bachelor’s pad ng biktima.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments