Tatay tinodas ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napatay ang 41-anyos na ama habang nadamay naman ang karga nitong 5-anyos na anak matapos ratratin ng riding-in-tandem gunmen habang bumibili ng pagkain sa Barangay Sampaguita sa bayan ng Solana, Cagayan kahapon.
 Kinilala ni P/Chief Insp. Alberto Calimag, hepe ng pulisya, ang biktima na si Bonifacio Elchico. Lumalabas sa imbestigasyon na nanonood ng larong basketball ang mag-ama nang nagpasyang bumili ng pagkain sa kalapit na tindahan. Dito na pinagbabaril ang mga biktima kung saan napuruhan ang tatay sa ulo habang nakaligtas naman ang anak nito na tinamaan ng bala sa tiyan kung saan naisugod sa Cagayan Valley Regional Medical Center.

Show comments