3 patay sa ambush

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi matapos na tamba­ngan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng Quirino highway sa Barangay Sta. Monica, Tagkawayan, Quezon kahapon ng umaga. Kinilala ni  P/Chief Inspector William Angway, hepe ng Tagkawayan PNP ang mga napatay na sina Jamela Custodio ng Muntinlupa City; driver ng sasakyan na si Melvin Marquez ng Candelaria, Quezon. Samantala, namatay naman sa ospital ang pangatlong biktima na si Jasmine ­Pablo ng Sta. Rosa City, Laguna. Sa imbestigasyon, bandang alas- 8 ng umaga habang lulan ng sasakyan ang mga biktima nang ratratin ng mga aramadong kalalakihan.

Show comments