Killer ng pulis, 2 wanted nadakma
MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang isang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na sinasabing sangkot sa pagpatay ng opisyal ng pulisya at dalawa pang wanted sa magkakahiwalay na operasyon sa Basilan, Bulacan at Davao.
Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr. ang nasakoteng Abu Sayyaf na si Najim Laisong alyas Uyong, 20, ng Sumisip, Basilan.
Ang dalawang iba pa ay nakilala namang sina Joel Capatoy, 33, ng Sta. Maria , Bulacan at Sesinio Naragas ng Sumifro Compound, Pryce Tower, Bajada, Davao City.
Sinabi ni Pagdilao, na ang mga suspek ay nasakote sa pinaigting na manhunt operation ng PNP-CIDG elements sa ilalim ng Oplan Pagtugis.
Si Liasong ay miyembro ng Abu Sayyaf sa ilalim ng liderato ni Commander Abugao Bayali na aktibong nag-ooperate sa Sumisip, Basilan.
Nabatid na ang suspek ay kabilang sa mga most wanted na sangkot sa pagpatay kay P/Chief Inspector Reymen Jannatul at tatlo pang pulis sa ambush noong Hunyo 28, 2000 sa Sumisip, Basilan.
Samantala, si Capatoy ay nasakote naman sa Sta. Maria, Bulacan dakong alauna ng hapon noong Huwebes sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ng korte ng Tacloban City.
- Latest