Hayskul stude nagbigti

CAVITE, Philippines  – Sinasabing problema sa pag-aaral kaya nag­desisyong magbigti ang 16-anyos sa loob ng kanilang tahanan sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa. Bandang alas-9:30 ng gabi nang matagpuan ang biktimang si Mark Paul Nocon, 4th year high school student, sa kaniyang silid sa Pasong Camachile 1 na nakabitin gamit ang kumot. Lumalabas pa sa pagsisiyasat ng pulisya na nag-text pa ang biktima bago nagdesisyong mag-suicide. Naisugod pa ng tiyuhing si Freddie Columna ang pamangkin sa General Trias Maternity and Pediatric Hospital pero idineklarang patay.

Show comments