Army vs NPA: 4 utas, 4 sugatan

MANILA, Philippines -  Dalawang sundalo at dalawang rebelde ang ini­ulat na napaslang habang apat iba pang sundalo ang nasugatan matapos sumiklab ang bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay San Agustin sa bayan ng Isabela, Negros Occidental kahapon ng umaga.

Ayon kay Captain Anacito Naz, spokesman ng Army’s 302nd Brigade, nakasagupa ng Alpha Company ang grupo ng mga rebelde bandang alas-8 ng umaga.

Limilitaw na nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo nang makasagupa kung saan umabot sa 3 oras ang bakbakan na ikinasawi ng dalawang sundalo na tumanggi munang tukuyin ng opisyal ang pangalan dahilan kailangan pang impormahan ang pamilya ng mga ito.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang rebelde na narekober ang bangkay sa encounter site habang pinaniniwalaan namang marami pa ang sugatan sa panig ng mga New People’s Army rebels.

Samantala, nagawa namang makubkob ng militar ang kampo ng mga rebelde sa nasabing lugar.

Show comments