^

Probinsiya

Plantasyon ng tubo sinunog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang hektaryang plantasyon ang tubo ang iniulat na sinunog ng mga ‘di-kilalang kalalakihan na sinasabing kaagaw na partido sa land dispute sa Barangay Villa Pereda sa bayan ng Delfin Albano, Isabela noong Linggo.

Ayon kay P/Senior Supt. Franklin Mabanag, ang lupain ay pag-aari ni Tomas Pascual ng kalapit bayan ng Tumauini. 

Noong Oktubre 2012, kalahating hektaryang bahagi ng 43-ektaryang  plantasyon ng tubo ni Chairman Fulgencio Pereda  ang winasak ng mga katunggaling claimants na militanteng magsasaka.

Ang plantasyon nina Pascual at Pereda na magkakatabi lamang ay ipinasok nila sa contract growing ng tubo sa Bioethanol producer sa lalawigan.

Sinabi ni Mabanag na una nang pinagbantaan ng mga kasapi ng Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (DAGAMI) na sisirain nila ang mga plantasyon ng tubo sa mga lupaing inaangkin ng kanilang kasapi hangga’t hindi masolusyunan ng pamahalaan ang kanilang kahilingan.

vuukle comment

AYON

BARANGAY VILLA PEREDA

CHAIRMAN FULGENCIO PEREDA

DANGGAYAN DAGITI MANNALON

DELFIN ALBANO

FRANKLIN MABANAG

ISABELA

NOONG OKTUBRE

SENIOR SUPT

TOMAS PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with