^

Probinsiya

P.5-M barangay hall winasak

Michelle Zoleta - Pilipino Star Ngayon

ATINOMAN, Quezon, Philippines – Itunuloy ang pagwasak sa Barangay Hall ng Zone III-Poblacion ng lokal na pamahalaan bagama’t may inilabas na ang Gumaca Regional Trial Court Branch 61-Gumaca na temporary restraining order (TRO) noong Lunes (Dec 3). “Wala umanong court order na gibain ang naturang gusali kaya ang naturang hakbang ay isa lamang panggigipit,” ito ang pahayag ng ilang barangay kagawad. Batay sa dokumento na nakalap, may 480 petitioners ang nagsagawa ng signature campaign upang mahadlangan ang paggiba nito dahil sa malaking kapakinabangan sa mga residente. Nagagamit umano ang pasilidad sa mga kalamidad bilang evacuation center, senior citizens meeting hall, barangay outpost, assembly hall at lamayan. Naniniwala ang ilang opisyal ng barangay na may bahid politika ang pagwasak sa nasabing barangay hall dahil walang makuhang suporta ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa darating na 2013 midterm elections.

BARANGAY

BARANGAY HALL

BATAY

GUMACA

GUMACA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

ITUNULOY

NAGAGAMIT

NANINIWALA

QUEZON

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with