Tinedyer inutas sa sayawan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines –  Bulagta ang 19-anyos na lalaki matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa sayawan sa Barangay Bugang sa bayan ng Pio V. Corpus, Masbate kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa ulo si Eleno Bucado, out-of-school youth at nakatira sa Barangay Tubog sa nabanggit na bayan. Sa police report, kasama ng biktima ang ilang kaibigan nang makipagsayawan sa plaza kung saan bandang alas-2 ng madaling araw nang ratratin. Sinamantala ng gunmen ang kaguluhan sa sayawan saka tumakas.

Show comments