^

Probinsiya

Lider ng robbery group dedo sa tandem

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Napaslang ang sinasabing lider ng robbery group at hipag nito matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Barangay Tucod sa bayan ng Cabaroguis, Qurino noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Randy Nabayyay na pinaniniwalaang nag-ooperate sa Benguet, Ifugao, Mt. Province, Nueva Vizcaya at Quirino.

Napatay din ang hipag na si Cheryl Puguon na nakisakay lamang sa motorsiklo kay Nabayyay habang ang dalawang bata na kaangkas ay nakaligtas.

Napag-alamang si Nabayyay ay unang kinasuhan sa Baguio City Regional Trial Court Branch 20 at La Trinidad Regional Trial Court Branch 29 subalit nakapagpiyansa kaya nakalaya sa kasong robbery.

Gayon pa man, muling nasangkot ang grupo ni Nabayyay sa holdapan kung saan tinangay ang P12-milyon pondo ng lokal na sangay ng Department of Agriculture na special project sa Kabayan, Benguet at ang P4-milyon naman sa LandBank branch sa bayan ng Bontoc, Mt. Province.

 

BAGUIO CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

BARANGAY TUCOD

BENGUET

CHERYL PUGUON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

LA TRINIDAD REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MT. PROVINCE

NABAYYAY

NUEVA VIZCAYA

RANDY NABAYYAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with