TUGUEGARAO CITY , Philippines - Nasabat ng mga operatiba ng pulisya ang 10 toneladang “luyot”(mine tailings) na pinagkukunan ng gold ore matapos tangkaing ipuslit palabas mula sa kabundukan sa bayan ng Cordon, Isabela kamakalawa. Ayon kay P/Chief Insp. Alejandro Gannaban, walang kaukulang dokumento to transport ang kargamento mula sa Mines and Geosciences Bureau o maging sa lokal na pamahalaan. Ang nasabing kargamento ay lulan ng Isuzu forward cargo truck na sinasabing pag-aari ni Dante Ferrer ng Talavera, Nueva Ecija. Ayon kay Gannaban, si Ferrer ay sinasabing financier ng mga pocket miners sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Viscaya kung saan kinukuha ang mga luyot mula sa minahan. Pormal naman kinasuhan ng pulisya ang driver ng truck na si Almar Bautista Arios ng Maddela, Quirino.