Tinedyer pisak sa trak

QUEZON, Philippines  – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan laban sa 14-anyos na out-of-school youth matapos itong masagasaan ng trak habang nagbibisikleta sa Sitio Taywanak, Barangay Castanas sa bayan ng Sariaya, Quezon, kamakalawa ng hapon. Hindi na naisalba sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang buhay ni Raymund Sanchez habang sumuko naman sa pulisya ang driver ng trak na si Vener Causaren ng San Pablo City, Laguna. Ayon kay PO3 Pedrito Mendoza, nagbibisikleta ang biktima mula sa compound ng paaralan nang araruhin ng Isuzu Fuzo truck (RGC-791) na minamaneho ni Causaren. Nakaladkad pa ng may ilang metro ang duguang katawan ng biktima bago huminto ang trak at tinulungan ang biktima na dalhin sa Greg Hospital pero dahil sa maselang kondisyon ay inilipat sa Lucena City.

Show comments