7-anyos ni-rape slay ng adik

MANILA, Philippines - Nakatali ng lubid ang leeg at hubo’t hubad ang 7-anyos na batang babae na sinasabing ni-rape slay ng adik sa liblib na bahagi ng Barangay Congbalay sa bayan ng Kawit, Cavite kahapon ng umaga. Sa ulat ng Cavite PNP na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-7:15 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng batang babae na malapit sa fishpond sa Fatima highway sa nabanggit na barangay. Isa umanong magbabasura ang nakakita sa bangkay ng bata na agad namang ini-report sa pulisya. Kasalukuyan namang inaalam ang pangalan ng biktima. Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay nakagapos ang dalawang kamay, may busal ng packaging tape sa bibig at tinakpan ng sarili nitong pinunit na damit ang mga mata. Samantala, nagtamo rin ng sugat sa mukha at may bakas pa ng dugo sa ari ng bata na indikasyong hinalay ito ng ‘di-kilalang adik sa bawal na droga.

Show comments