Sundalo utas sa bomba

MANILA, Philippines - Napatay ang isang sundalo ng Phil-Army habang isa naman ang grabeng nasugatan makaraang sumabog ang bomba na ginawang patibong ng mga bandidong Abu Sayyaf sa bayan ng Ungkaya Pukan, Basilan noong Lunes ng umaga. Kinilala ang nasawi na si Corporal Mark Dandin Gomez habang ginagamot naman sa Camp Navarro Hospital sa Zamboanga City ang kasamahan nitong si Private First Class John Garde. Nagsasagawa ng security patrol ang tropa ng Army’s 3rd Scout Ranger Company sa circumferential road sa Brgy. Cabangalan ng bigla na lamang sumabog ang bomba na ginamitan ng cellphone bilang triggering device. Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang nagkapirapirasong mortar at nawasak na bahagi ng cellphone na ginamit sa pambobomba.

 

Show comments