Ex-drug user nagbaril sa ulo

CEBU CITY, Philippines – Isa na namang pagpapakamatay ang naganap matapos magbaril sa ulo ang 46-anyos na dating drug user sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Sambag 2, Barangay Guadalupe, Cebu City noong Linggo ng umaga. Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Artemio Caballes Padayao, ex-security guard. Sa salaysay ng pamangking si Gerom Padayao, 23, nakarinig siya ng putok sa kuwarto ng biktima bandang alas-11 ng umaga. Sa ulat nina SPO4 Rey Cuyos, SPO2 Teodoro Lumanas at PO1 Michael Angelo Singson, si Gerom ang tumawag sa himpilan ng pulisya matapos makarinig ng putok ng baril mula sa kuwarto ng kanyang tiyuhin. Narekober naman ang  cal. 38 revolver malapit sa kanang kamay ng biktima. Ayon pa kay Gerom, dating drug user ang kanyang tiyuhin kaya nagka-nervous breakdown. Freeman News Service

 

Show comments