CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 45-anyos na presidente ng Association of Barangay Chairman (ABC) matapos itong magbaril sa sentido sa loob ng Barangay Hall sa Manga Street sa Barangay Liboton, Naga City sa Camarines Sur kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Chairman Alex Nero ng nabanggit na barangay.
Sa ulat ng pulisya, bandang alas- 6:30 ng umaga ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa likuran ng mesa sa loob ng opisina nito na may hawak pang cal. 45 pistol sa kanang kamay.
Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala sa kaniyang kanang sentido.
Narekober ang suicide note ng biktima sa ilalim ng drawer ng mesa nito na nagsasaad na nais na niyang wakasan ang kaniyang buhay.