Call center agent, nag-suicide

MEYCAUYAN CITY, Bulacan, Philippines – Isang 37-anyos na call center agent ang nag-suicide matapos itong matagpuang nakabigti sa loob ng kanilang tahanan sa lungsod na ito kahapon.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ramiro Antonio, may-asawa at residente ng Saint Michael Homes, Brgy. Pandayan sa siyudad na ito.

Sa imbestigasyon ni PO3 Philip Santos, bandang alas-4 ng hapon ay kinatok ng anak ng biktima na si Angelo Antonio ang pintuan ng kuwarto ng ama pero walang sumasagot at ng kaniyang buksan ay bumulaga ang nakabiting ama na nakatali ng garrison belt sa leeg.

Pinaniniwalaan namang problema sa pamilya ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima.

 

Show comments