MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay chairman at pamangkin nito matapos na aksidenteng sumalpok sa isang nadiskaril na truck na puno ng kargang tubo ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa highway ng Brgy. Canabajan, Iloilo kamakalawa ng gabi. Kinilala ng Iloilo Police ang nasawing mga biktima na sina Abuer Castor, 26, Chairman sa Brgy. Maguinabot ng bayang ito at ang 22-anyos nitong pamangkin na si Lucio Laureto. Ang mga biktima ay pawang dead on the spot sa tinamong grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa bahagi ng ulo dahilan wala ang mga itong suot na helmet. Sa imbestigasyon, bandang alas-11 ng gabi ng maganap ang aksidenteng pagsalpok ng motorsiklo na minamaneho ni Castor sa nakaparadang truck sa tabi ng highway matapos nitong hindi mapansin ang ‘warning device’ dahilan madilim sa lugar.Freeman News Service