Editor todas sa bangungot

TUGUEGARAO CITY , Philippines  — Pinaniniwalaang namatay sa bangungot ang 34-anyos na news editor ng pinakamatandang lokal na pahayagan sa Ilagan City. Nadiskubre ang bangkay ni Lawrence Martin ng  kanyang mga kasamahan sa trabaho na naaagnas na ito sa loob ng kanyang kuwarto dahil sa masangsang na amoy at dagsang langaw sa Barangay Bliss Village sa nasabing lungsod kamakalawa. Ayon sa hepe ng investigator na si P/Supt. Vicente Valdez, may tatlong araw nang hindi lumalabas sa kanyang kuwarto ang biktima na tubong Brgy. Masaya Sur, San Agustin, Isabela. Nakabaluktot pa sa kumot ang bangkay ng biktima nang matagpuan ng Scene of the Crime Operative (SOCO) sa kanyang quarters sa The Valley Times Press kung saan ay news editor siya ng pahayagan.

 

Show comments