OFW nadatnang buntis ang misis, nag-suicide

TUGUEGARAO CITY , Philippines - Dahil sa dinadalang mabigat na problema sa asawa, isang 32-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na kauuwi lamang ang nagpasyang tumalon mula tulay at natagpuan ang naianod na bangkay nito sa ilog ng Barangay Banaoang sa bayan ng Santa, Ilocos Sur noong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alvades Lopes Jr., nakatira sa bayan­ ng San Juan, La Union.

Nabatid sa kaanak na si Noel Salasa, lubos ang paninibugho ng biktima nang madatnan niyang buntis  sa ibang lalaki ang kanyang misis pagdating nito mula sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Hindi na kinompronta ng biktima ang kanyang misis kung saan umalis itong walang paalam.

Huling nakitang buhay ang biktima na nag-iisip ng malalim sa tulay sa bayan ng Santa.

Show comments