Mag-asawa todas sa crossfire

ILAGAN CITY, Philippines – Pinaniniwalaang ginamit na human shield ang mag-asawang matanda ng mga rebeldeng New People’s Army kaya napatay sa crossfire laban sa tropa ng militar sa Barangay San Miguel, Echague, Isabela noong Biyernes. Kinilala ang mag-asawa na sina Vic at Rosie Valenzuela ng Sitio Calabagin sa nabanggit na barangay. Sa ulat ni P/Senior Supt. Franklin Mabanag, natagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa masukal na bahagi ng nasabing sitio noong Sabado. Natagpuan din sa lugar ang naiwang mga gamit ng rebelde kabilang na ang mga libro, laptop, hand held radio ng mga sundalong kanilang inambush noong Sabado sa kalapit na Barangay ng Mabbayad. Itinaas na sa heightened alert ang pulisya sa Isabela kaugnay ng anti-insurgency operations mula noong nakaraang linggo na ikinasawi ng pitong sundalo.

Show comments