Minero dinedo sa hapag-kainan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 34-anyos na minero makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bahay ng kanyang kaibigan sa Sitio Lasagas, Barangay Biyong sa Masbate City, Masbate kahapon ng umaga. Nagtamo ng mga tama ng bala ng M16 armalite rifle ang biktimang si Marianito Oliva ng Purok 2, Barangay Matiporon sa bayan ng Milagros, Masbate. Sa ulat ng pulisya, nag-aalmusal ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan nang ratratin kung saan hindi pa nakontento ay pinagsasaksak pa hanggang sa mapatay.

Show comments