Tatay dinedo ng anak

CEBU CITY, Philippines – Napaslang ang 66-anyos na tatay matapos pagpapaluin ng kahoy ng kanyang anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Cantao-an, Naga City, Cebu noong Martes ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Hilario Vilchiz habang naaresto naman ang suspek na si Ranile Vilchiz, 35, nahaharap sa kasong parricide. Ayon sa pulisya, nagawang patayin ng suspek ang sariling ama dahil sa tangkang patayin ang kanyang ina. Nabatid na inunahan ng suspek ang kanyang ama matapos marinig ang pagbabanta laban sa kanyang ina na tatagain. Naisugod pa sa South General Hospital subalit namatay din matapos na gamutin. Freeman News Service

 

Show comments