Coed grinanada ang sarili
MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng 21-anyos na kolehiyala matapos mag-suicide gamit ang granada sa kakaibang uri ng kaso ng pagpapakamatay sa bayan ng T’boli, South Cotabato kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni P/Supt. Ricky Rebua, chief of police ng T’boli South Cotabato ang biktima na si Juralidine Ming, criminology student sa Regency Polytechnic College sa bayan ng Marbel.
Sa salaysay ng kapatid ng biktima sa mga imbestigador ng pulisya, nagtungo ang dalaga sa kanilang bukirin at nakita pa ito ng kanyang bayaw na sinasabing malungkot at tulala.
Ilang saglit pa ay isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lugar kung saan ay inakala ng mga kapamilya nito na isang uri lamang ng paputok.
Gayon pa man, nang puntahan at suriin ang pinanggalingan ng pagsabog ay nagulantang ang mga ito sa nakitang nagkagutay-gutay na katawan ng biktima.
Sinasabing may mabigat na problema ang biktima na tumangging tukuyin ng pamilya nito habang narekober din sa pinangyarihan ng pagsabog ang mga shrapnel ng granada na hawak pa ng biktima
- Latest