^

Probinsiya

P.4-M reward vs killer ng UPLB coed

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nag-alok na kahapon ang pamahalaan ng Laguna ng P.4 milyon reward para sa sinumang makapagtuturo sa ikaaresto ng suspek sa pagna­nakaw at pamamaslang sa 19-anyos na estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) noong Lunes sa Biñan City, Laguna.

Sa phone interview, kinumpirma ni Laguna police director P/Senior Supt. Fausto Manzanilla Jr. ang pagbibigay ng reward para mapadali ang pag-aresto sa suspek na si Benigno Nayle, 19, ng Brgy. San Vicente, Biñan City.

Ang P200,000 reward ay mula kay Biñan City Mayor Marlyn “Lenlen” Alonte-Naguiat habang ang karagdagan pang P200,000 ay nagmula naman kay Laguna Gover­nor Jorge “ER” Ejercito Estregan Jr.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na ang biktimang si Maria Victoria Reyes, 3rd year BS Agriculture student sa UPLB  ay na­tagpuan ng kanyang ama sa loob ng kanilang tahanan na nakahandusay na may malalim na saksak sa kaliwang dibdib.

Nagawa pang ma­isugod sa ospital ang biktima pero  idineklara  na itong  patay.

Lumilitaw na ang suspek na sinasabing drug addict at may mga kasong kriminal ay itinuro ng dalawang testigo ilang minuto bago nadiskubre ang krimen.

Samantala, nadiskubre ring nawawala ang laptop, mobile phone, camera at hindi pa madeterminang halaga.

vuukle comment

BENIGNO NAYLE

CITY MAYOR MARLYN

EJERCITO ESTREGAN JR.

FAUSTO MANZANILLA JR.

LAGUNA GOVER

LUMILITAW

MARIA VICTORIA REYES

SAN VICENTE

SENIOR SUPT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES LOS BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with