Truck bumaliktad: 4 patay

MANILA, Philippines - Apat-katao ang kumpirmadong nasawi habang pito naman ang nasugatan matapos mawalan ng preno bago bumaliktad ang truck sa kahabaan ng highway sa Barangay Puerto Princesa sa bayan ng Barotac Viejo, Iloilo kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Raul de la Cruz, 45; Franklin Jamilarin, 18; Jose Penaflorida, at si Richard Consumo Jr., 28. Patuloy namang ginagamot sa Dramon Tugbong Medical Center at Barotac Viejo District Hospital  ang mga sugatang sina Delmar Allanza, 19; Jonil de la Cruz, 19; Rolando Doquila, 45; Franklee Jamelarin, 16; Tito Basios, Joey Casipi, at si Jonel Casipe. Sa police report, lumilitaw na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver matapos magkaaberya ang preno ng truck (FLD 904) na may kargang saku-sakong palay. Dito na bumaliktad ang truck kung saan nasawi ang apat.

 

Show comments