Misis tinaga sa ulo ng mister

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 22-anyos na misis matapos itong tagain sa ulo ng kanyang ka-live-in sa loob ng kanilang bahay sa Purok 5, Barangay Catioan sa bayan ng Capa­longa, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Nasa intensive care unit ng Camarines Norte Provincial Hospital Annex II ang biktimang si Rochelle Florida habang ang suspek na nakapiit sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Uldarico Dela Cruz, 24, mangingisda. Sa police report, lumilitaw na pinagsabihan ng biktima ang kanyang mister na tumigil sa pag-inom dahil sa lango na sa alak. Napahiya ang suspek sa mga kainuman kaya kumuha ng itak at tinaga sa ulo ang kanyang ka-live-in.

 

Show comments