Magka-live-in niratrat sa mesa

SAN ANTONIO, Nueva Ecija , Philippines – Pinaniniwalaang away-lupa kaya niratrat at napatay ang magka-live-in, habang isa naman ang nasugatan sa naganap na panibagong karahasan sa Sitio Minanglo, Barangay San Francisco sa bayan ng San Antonio, kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang dalawang napaslang na sina Leodegario Diaz, 60, magsasaka at Mina Mallare, 55, kapwa nakatira sa Barangay Lawang Kupang.Tinamaan naman ng ligaw na bala si Emelito Lacanilao, 48, ng Barangay Calabasa, Jaen, Nueva Ecija. Lumilitaw na nag-aalmusal ang mga biktima sa isang bahay sa nasabing lugar nang ratratin ng mga ‘di-kilalang kalalakihan. Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal .45 pistol.

 

Show comments