19 sugatan sa road mishap

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Aabot sa 19-katao ang iniulat na nasugatan sa naganap na  magkahiwalay na sakuna sa Isabela at Cagayan ayon sa ulat kahapon. Napag-alaman na unang naganap kahapon ng madaling araw matapos salpukin ng Mitsubishi Adventure ni Henry Mendoza ang Isuzu Forward truck na nakaparada sa gilid ng highway sa Barangay Del Pilar, Alicia Isabela. Agad isinugod sa Cauayan City Hospital ang walong biktima.  Samantala, labing-isa naman ang iniulat na nasugatan matapos mahulog sa gilid ng highway ang pampasaherong jeepney ni Beloved Daguio matapos sumabog ang gulong pagsapit sa Barangay Pata sa bayan ng Tuao, Cagayan. Nakilala ang mga nasugatan na sina Rian Jazz Cabay, Rency Cabay, Catherine Lorenzo, Nelia Nolasco, Minerva Asuncion, Cecilia Bambalan,  Alma Peralta, Rosalina Mabatan,Melvin Mabatan, Herminia Sumalbag, at si Miriam Cabay.

Show comments